Saturday, April 2, 2011

The Promise 8

Kuya Phil: Salamat sa suporta at tiwala.
Chach: Eto na po tart. Cenxa sa delay.
Thirdy: Keep it up nak...
Vin: Thanks din sa support
Kuya Mike: Thanks for the support as well.
 Mat, Vlad at sa iba pa, kayo ang aking inspirasyon

 Boss: Sana mabasa mo ito... Salamat sa mga encouragement at sa pagtitiwala...


 ----------------------------------------------------------------

Naririnig ko na minsang tumunog ang cellphone ni Joseph pero nagtaka ako sa kakaibang tunog nito. Nang marinig ito ni Joseph ay tila nataranta itong tumigil, hinablot ang roba na nkasampay sa upuan at kinuha ang cellphone. Medyo nagtaka ako lalo kasi bigla na lamang siyang lumayo saka sinagot ang cellphone. Wala akong marinig sa kanilang pag-uusap ng kung sino man ang kanyang kausap. Para akong natauhan ng biglang humangin. Ang lamig kasi. Nakalimutan ko na wala nga pla akong saplot kahit isa sa katawan.Napamura ako sa inis. Ganito pala ang pakiramdam ng bitin. Ang malas ko naman. Unang karanasan na nga, minalas pa. Nagpasya akong magsuot nlng ng damit at matulog. Dumaan ako sa harap ni Joseph pero parang hangin lang yata ako sa kanya. Di man lang ako pinansin.

Agad akong pumasok sa kwarto. Mejo di pa rin humupa ang init na aking nararamdaman kaya nagpasya akong gamitin na lang muna si Maria. Agad kong isinagawa ang nararapat. Iniisip ko pa din ang mainit na tagpo na nangyari sa amin ni Joseph kanina. Agad kong inutusan si Maria na gawin ang dapat gawin hanggang sa sumabog ang init na naiipon sa aking katawan. Pagod ako sa aking ginawa kaya agad akong nakatulog sa aking higaan.

..."Paglaki natin tol, magsasama tayo habang buhay!" sabi ng batang maputi, matangkad ant higit sa lahat ay gwapo.

"OO namn tol. Ikaw yata ang pinaka best friend ko sa lahat", sagot naman ng isa pang batang gwapo din pero moreno ang kulay ng kutis nito.

"Hala! Wala kayang ganun. Best friend na nga tapos pinaka pa? Dapat ako lang best friend mo talaga", sagot ng unang bata

"Ay! Wala bang ganun? Sige! Ikaw ang bestfriend ko kaya di kita iiwanan habang buhay. Andito lang ako kahit anu pa man mangyari..."

"Sa'iyo na tong kwintas ko. Ingatan mo yan. Hahanapin ko yan sa iyo. Pag di mo suot yan, susuntukin kita" sbi ng bata sa aking panaginip

"OO nman. Aalagaan ko ito. Sa bestfriend ko yata to." sagot ng isang bata...

"Francis? Enrico? Nasaan na kayo? Pumasok na kayo dito sa bahay at nang makakain na kayo" sigaw ng isang magandang ginang

"Opo!" sabay na sigaw ng dalawang bata
"Mommy, asan po si Joseph? Di ko po nakikita mula nung dumating si Eric dito..." tanong ng batang si Francis

"Baka nasa playground lang din yun at di ninyo napansin." sagot ng ginang

"Andito lang po ako Mommy, Kuya" 
At biglang sumulpot ang isang batang sa tingin ko at nakita ko na pero di ko mawari kung saan.
Nagising ako sa ganoong tagpo. Medyo kakaiba na ito ngayon kasi, di lang humaba ito kundi ngayon lang ako nagising na mejo sumakit ang ulo ko. Parang tumutulo ang luha ko sa sakit. Agad akong tumungo sa drawer sa kwarto ko at kumuha ng pain reliever at ininom ito. Nakatulog ako saglit at nang magising ako ay tanghali na pala. Lumabas agad ako ng kwarto at hinanap si Joseph sa sala.
Nakita ko sa sala ang caretaker at may inabot ito sa aking sulat... Nagtaka ako sa sulat na iyon kaya't agad ko itong binuksan at binasa. 

"Dear Franco,

Sorry sa nangyari kagabi. Di ko inaasahan na tatawag si Mommy. Alam ko na disappointed ka sa nangyari pero kailangan ko kasi itong sagutin. Kung nabasa mo itong sulat na ito ay baka kasalukuyan na akong lumipad pabalik ng America. Kaya napatawag si Mommy kagabi at dahil nagkaroon ng isang matinding problema ang aming pamilya at kailangan kung pumunta doon upang dumamay. Baka aabutin ako ng isang buwan doon pero wag kang mag-alala kasi sasahod ka pa din kahit wala ako. Ipapadala ko na lang ito ke Manang. Iniwan ko na ang kotse diyan para may magamit ka pauwi. I trust you kaya ok lang sa akin na gamitin mo yan pansamantala.

OO nga pla, sinubukan kitang gisingin kanina pero nkatulog kana yata sa pagod. Pasensiya na talaga. May iniwan din pala akong pera diyan sa caretaker. Kunin mo ito at gamitin. Hintayin mo ang pagbalik ko. Aasahan ko na may isang Franco na maghihintay sa akin.

Salamat,

Joseph"

Tila naluluha ako pagkatapos ko itong basahin. Hindi ko alam kung maiinis ako o magagalit. Parang ang bigat ng nararamdaman ko dahil sa ginawa niyang iyon. Bahala na. Nakita ko na lamang ang caretaker na may inabot sa aking pera. Kinuha ko na lamang ito at nilagay sa bulsa ko. Pumasok akong muli sa kwarto at nag-ayos. Babalik na akong Manila upang hintayin si Joseph.

Naligo muna ako saglit at nang matapos ay dali dali akong nagbihis. Pagkatapos ko gumayak ay agad akong nagpaalam sa caretaker na aalis na. Bumaba na agad ako at umalis gamit ang kotse ni Joseph. Habang nasa biyahe ako ay naisipan kung magpapatugtog.



Haaayyy... Tumugma pa talaga ang tugtog sa nangyayari ngayon. Naaalala ko na nman yung panaginip ko... may isang desisyon na nabuo sa isip ko... Aalamin ko ang kahulugan ng aking mga panaginip, ang mga bata sa tagpong iyon at bakit "FRANCO" ang nakasulat sa suot suot ko na kwintas nung makita ako nina Tatang...

Aalamin ko ang tunay na nangyayari sa aking nakaraan..

-itutuloy-