..."Paglaki natin tol, magsasama tayo habang buhay!" sabi ng batang maputi, matangkad ant higit sa lahat ay gwapo.
"OO namn tol. Ikaw yata ang pinaka best friend ko sa lahat", sagot naman ng isa pang batang gwapo din pero moreno ang kulay ng kutis nito.
"Hala! Wala kayang ganun. Best friend na nga tapos pinaka pa? Dapat ako lang best friend mo talaga", sagot ng unang bata
"Ay! Wala bang ganun? Sige! Ikaw ang bestfriend ko kaya di kita iiwanan habang buhay. Andito lang ako kahit anu pa man mangyari..."
...Biglang naalimpungatan si Franco mula sa kanyang panaginip. Sa lakas ba nman ng busina sa labas ng kaniyang tinuluyang bahay, kahit pa siguro patay ay mabubuhay. Nagkusot muna siya ng mata tsaka dumungaw sa bintana.
"Franco, mamamasahe ka ba mamaya?" tanong ni Tatang Efren
Si tatang Efren at si nanay Ella ang aking nakagisnang magulang. Nakita lang daw nila ako sa kalsada na duguan at walang malay kaya nila ako kinuha at pinagamot. Wala din naman daw naghanap sa akin kaya nung lumuwas sila ng manila ay sinama na ako. Wala akong matandaan maliban sa Franco ang tawag nila sa akin dahil yun daw ang nakasulat sa kwintas na suot suot ko.
"Opo! Ako po ang rerelyebo sa inyo di po ba?" ganting sigaw ko naman
"Ok lang pero may maganda akong iaalok sa iyong trabaho. Di na tong pamamasahe mo sa jeep."
Nagtaka ako pero sumagot ako, "Okay na man po ang pamamasada ehh. Marangal po ito. Ito nman po turo ninyo sa akin di ba."
"Wag mong isiping ayaw ko sa trabahong ito. Alam mo naman siguro na ito ang ininabubuhay ko mula pa noon. Ang gusto ko lang ehh yung medyo maging ok naman ang buhay mo. Binata ka pa nman, gwapo kaya may iaalok sana ako sayo na ibang trabaho"
"Ano po ba yun Tatang"
"Naalala mo yung nakabili ng bahay ng pinsan ko sa me subdivision sa kabila? Uuwi na daw yung anak ng may-ari para magbakasyon. Ayaw umuwi sa Cebu kaya dito daw muna sa Manila tatambay. Tumawag yung ina kasi first time daw nun tumirang Manila kasi laking Cebu ito then nag migrate ang buong pamilya sa America."
"Ahhh ganun po ba? Anu nman po magiging trabaho ko?"
"Ikaw magiging personal driver. Malaki naman ang sahod ehhh medyo maselan daw kaya ikaw naisip ko na irekomenda."
"Ok lang po ako doon. Kelan po ba ang dating?"
"Bukas ng tanghali. Susunduin mo siya sa Airport kaya dapat magpahinga ka ngayon para maging maayos ang gising mo bukas."
"Sige po tang..."
Kinabukasan ay dumerecho na ako sa kabilang bahay. Kinausap ko ang mayordoma na si Aleng Mameng na ako yung susundo kay sir. Agad niyang ibinigay ang susi at sinabing sasama siya dahil kilala na niya si sir.
Umalis kami agad sa bahay at dumerecho na sa airport. Eksatong pagdating namin ay siya namang paglapag ng eroplanong sinakyan ng amo ko.
After 30 mins ay tinawag ni manang si sir.
"Joseph, dito kami..."
May lumapit agad ke manang na gwapong lalaki. Matangkad, maganda and katawan ngunit siya yung tipong di mo pwede kausapin...
"Franco, halika at buhatin mo ang mga gamit ni Sir." twag sa akin ni manang.
"Sir, eto po pla si Franco ang magiging personal driver mo!"
"Magandang araw po sir" magalang kung bati sa kanya
Di ito umimik. Pero napansin ko na tinitigan ako niyo mula ulo hanggang paa
"Tayo na sa bahay manang. Nag init init na dito. Gusto ko nang magpahinga" ang sabi nito sabay pasok sa loob ng kotse
"SUPLADO" sigaw ng utak ko...
Pumasok na din ako sa kotse at agad na nagmaneho pauwi sa kanilang bahay...
-itutuloy-
No comments:
Post a Comment