...Nabigla ako sa ginawa ni Joseph. Di ko maipaliwanag ang sakit na bigla ko na lang naramdaman. Di ko alam kung nababaliw na ba ako.
"Sorry. Nakakhiya! Bigala na lang akong may naalalang di ko naman alam kung anu talga..." sagot ko kay Joseph
"Hahaha... EMO ka din pla? Masyado ka yatang defensive ehh wala naman akong tinatanong sayo..." natawang pahayag nito.
"Hah? Ahh ehhh wala lang..." natawa ko na ding pahayag.
Humating kami sa rest houst nila sa Tagaytay. Mejo malayo sa centro ng Tagaytay ang lugar pero npaka ganda ng tanawin. Overlooking ito at makikita ko ang taal volcano sa veranda. Tanging ang caretaker lamang ang tao sa bahay nung dumating kami.
Akala ko ay uuwi din kami kinabukasan nang sinabi ni Joseph na gusto niyang doon muna kami sa loob ng tatlong araw. Malas ko lang kasi wala naman akong dalang gamit kahit isa at ang alam ko ay wala din siyang dalang damit kahit isa man lang.
Kinausap ni Joseph ang caretaker at nung bumalik ay tinanong ako kung alam ko yung Robinson's sa Tagaytay. Sumagot nman ako na alam ko. Sinabi niyang punta daw kami doon kasi may mga bibilhin daw muna siya.
Pagdating namin sa Robinson ay agad kaming dumerecho sa Department store at namili ng mga damit. Laking gulat ko ng pati ako ay pinamili din pla niya mula brief, shorts, boxers, shirts pati pa sapatos at jacket.
"Second day ko pa lang Jo pero mukhang ubos na boung buwan kung sahod sa utang ko sa sayo niyan."napakamot kung sbi habang inaabot niya sa akin ang mga pinamili niya para sa akin
"Anong utang ang sinasabi mo? Libre ko yan sayo. Bonus.."sagot niya.
"Tara na nga! Alam mo kung saan yung Leslie's daw dito? Masarap daw ang "BULALO" doon."
"Alam ko po kung saan yun." sagot ko
"Oh, di tara na. Gutom na ako ehh..." sagot ni Joseph at nagmamadaling pumasok sa kotse.
Napangiti na lang ako sa kanya. Pumasok ako sa kotse at umalis na agad papuntang "Leslie's". Agad siyang umorder ng Bulalo at Tawilis. Pakiramdam ko ang mahal ng lugar. Doon kami umupo sa parang me kubo. Para daw mahangin paliwanang ni Joseph.
Habang hinihintay namin ang order ay madami kaming napag usapan ni Joseph. Nalaman ko na laking Cebu siya ngunit umalis ang buong pamilya sa America dahil nagkasakit siya. Nalaman ko din na me kababata siya na namatay ngunit na. Habang nagkukwento siya ay panay ang himas niya sa kanyang dibdib at bakas sa kanyang mga mata ang sobrang kalungkutan...
Tatanungin ko pa sana siya ng biglang dumating ang aming pagkain... Kumain kami agad habang mainit pa ang sabaw ng Bulalo at mainit pa ang Tawilis. Parang batang tuwang tuwa si Joseph habang kumakain. Ako naman ay natutuwa pag nakikita ko ang kanyang mga ngiti.
Pagkatapos kumain ay nagyaya pa si Joseph na magkape. Sa Starbucks daw. Napakamot na alng ako sa ulo kasi 3-in-1 lang ang alam ko. Di ko naintindihan kung anu man yung inorder niya sa babae. Nagkwentuhan ulit kami at this time ako nman ang nagkwento.
Sinabi ko sa kanya na nakita lang ako nina Tatang na nkahandusay sa kalsada kaya dinala nila ako sa pagamutan. Nang magising ako, tulala lang daw ako at walang maalala. Naghintay ng ilang araw sila tatang ng kung me maghahanap sa akin pero wala daw kaya nagpasya akong iuwi sa kanila at mula nun ay itinuring na nila akong Anak.
Di namin napansin na malalim na pala ang gabi. Masyado kaming nalibang sa kwentuhan at sa pag-ungkat ng mga bagay na gusto at ayaw ng isa'-isa. Nung mapansin naming masyadong gabi na, ay nagpasya na kaming umuwi.
Pagdating sa bahay ay agad siyang pumanhik...
"Joseph" tawag ko sa kanya
"Oh bakit, me problema ka ba" nagtatakang tanong nito
"Ahh ehh... salamat dito sa mga damit ha."
"Ok lang yun. Akala ko pa naman ay anu na..." sagot niya
"Anung anu yun?" takang tanong ko
"Wala yun!" Sige na, matulog ka na at aalis tayo ulit bukas
Pumasok ako sa kwarto at agad na nakatulog...
..."Paglaki natin tol, magsasama tayo habang buhay!" sabi ng batang maputi, matangkad ant higit sa lahat ay gwapo.
"OO namn tol. Ikaw yata ang pinaka best friend ko sa lahat", sagot naman ng isa pang batang gwapo din pero moreno ang kulay ng kutis nito.
"Hala! Wala kayang ganun. Best friend na nga tapos pinaka pa? Dapat ako lang best friend mo talaga", sagot ng unang bata
"Ay! Wala bang ganun? Sige! Ikaw ang bestfriend ko kaya di kita iiwanan habang buhay. Andito lang ako kahit anu pa man mangyari..."
"Sa'iyo na tong kwintas ko. Ingatan mo yan. Hahanapin ko yan sa iyo. Pag di mo suot yan, susuntukin kita" sbi ng bata sa aking panaginip
"OO nman. Aalagaan ko ito. sa bestfriend ko yata to." sagot ng isang bata...
"Francis? Enrico? Nasaan na kayo? Pumasok na kayo dito sa bahay at nang makakain na kayo" sigaw ng isang magandang ginang
"Opo!" sabay na sigaw ng dalawang bata
Nang bigla na nman itong maputol... Francis at Enrico pala ang pangalan ng dalawang bata pero bakit ko sila napanaginipan? Di ko maiisip kung anu ang koneksiyon ko sa dalawang bata sa aking panaginip...
---itutuloy---
No comments:
Post a Comment