Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pakiramdam ko ang pulang pula ang aking buong katawan. Namumula at naliit ako sa sobrang pagkakapahiya kasi mali ang akala kung si Alicia ang nasa labas. Si sir naman ay di ko mawari ang expresyon sa mukha. Para itong natuklaw ng ahas at di makagalaw sa kinatayuan nito.
"Sir, sorry po. Akala ko po si Alicia ehh, bibiruin ko sana." basag ko sa katahimikan.
"It's ok. Meron din nman ako niyan. You can check it if you want...?" sagot ni sir sabay ngiti.
"Anyway, gusto lang akong humingi ng tawad kanina sa pagsusungit ko. Mejo naninibago lang ulit sa klema. Dala ng init ng panahon." ..si Sir pa din
"Ok lang yun sir. Pasensiya na din po sa nakita nyu ngaun sir." nahihiya ko pa din tugon
"Ok lang. Sige magbihis kana at sabay na tayong kakain." sbi ni Sir Joseph at agad na umalis papuntang kusina.
Agad kung isinara ang pintuan ng kwarto at nagbihis agad. Naiinis ako. Me nararamdaman akong kakaiba. Yung tipong gusto kong makita pa ni Sir ang lahat lahat sa akin... Nagmadali na lang akong nagbihis at dumerecho na sa komedor.
Wala kaming imikan sa hapag-kainan. Mabilisan lang din ang pagkain ko. Nagligpit pa sana ako ng sinabihan ako ni Sir na ipaubaya na sa mga katulong yun at wala yun sa job description ko. Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto.
Habang lumalalim ang gabi, ay di ko pa din nakalimutan ang tagpo kanina. Di ko alam pero minsan nakangisi ako. Natutuwa? Bakit nman kaya? Naisipan kung bumangon at magpahangin sa labas ng kwarto. Dumerecho ako sa may gawing pool nang makita ko na may naliligo. Babalik na sana ako ng tinawag ako.
"Franco, care for a swim?" tawag sa akin nito.
Nakita kung umahon sa pool si Sir at inabot nito ang roba na nkatambay sa may gilid ng pool. Ang ganda ng katawan ni Sir Jospeh. Makinis matipuno at walang kahit anung taba sa katawan. Meron din siyang kaunting buhok sa dibdib at sa may bandang pusod pababa sa daku pa roon.
"Ay sir, ikaw pala yan... Sige po ok lang po ako."
"Masyado kang pormal. Magkaedad lang nman yata tayo diba? I'm just 23. Joseph na lang." sabi ni sir habang nakalahad ang kamay.
"Ehh nakakahiya po Sir ehh kasi boss kita." tugon ko
"Exactly! boss mo ko kaya sundin mo ako. Just call me Joseph from now on." sagot ni Joseph
"Sige po sir kung yan ang gusto mo... I mean Joseph pala" nakangiti kung sagot.
Nkipagkamay ako kay Joseph pero parang napansin ko na pinisil niya ang mga kamay ko. Mejo naguguluhan ako kasi parang ayaw kung bitiwan niya ang kamay ko at ayaw ko ring bitiwan ang kamay niya. Tila napapaso ako.
Binawi ko ang kamay ko ng kusa at nagpaalam na ke Joseph na matutulog na. Di na niya ako pinigilan pa. Dumarecho ako sa kwarto at nahiga na ulit. Di ko alam pero parang masaya ako. Di ko alam kung anu man ito pero di ko mapigilan na ngumite...Nakatulog agad ako dala ng matinding pagod...
Kinabukasan, nagising ako dahil sa mga katok sa pintuan. Naalala ko ang panaginip ko kagabi. Pareho pa din nung dati. Pero mas dumalas na ngayon at parang pahaba ng pahaba ang takbo ng pag-uusap ng dalawang bata sa aking panaginip. Napailing na lang ako.
Mula pa nung bata ako ay di ko na naalala ang mga magulang ko. Sabi nila, baka daw may amnesia ako. Sa isip ko, tagal naman yata ako gumaling? Naputol ang pag-iisip ko ng tinawag ako ni Manang. Aalis daw kami ni Joseph at pupuntang Tagaytay. Me nabili daw kasing bahay doon at bibisitahin lang.
Agad akong naghanda at agad kung nilinisan ang kotse. Pagkatapos ng isang oras, ay handa na ang lahat. Umalis na agad kami ni Joseph. Habang sa daan ay wala kaming masyadong pinag uusapan. Naisipan kung magpa tugtug ng paborito kanta. Sumakto pa sa kantang paborito ko na kanta

<object width='310' height='259'><param name='movie' value='http://www.youtube.com/v/7CYI5bKZMes&rel=1'></param><param name='wmode' value='transparent'></param><embed src='http://www.youtube.com/v/7CYI5bKZMes&rel=1' type='application/x-shockwave-flash' wmode='transparent' width='310' height='259'></embed></object>
<object width='300' height='180'><embed src='http://widget.lyricsmode.com/i/scroll2.swf?lid=337018&speed=4' width='318' height='181' type='application/x-shockwave-flash'/></embed></object>
Lyrics | Adam Sandler lyrics - I Wanna Grow Old With You lyrics
Adam Sandler - I wanna Grow Old With You
I wanna make you smile
Whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All i wanna do, is grow old with you
I'll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
So, it could be so nice growing old with you,....
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control.
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
Oh I could be the man that grows old with you
I wanna grow old with you.
"Napansin ko nalang na mejo me namumuong luha sa mga mata ni Joseph. Di ko alam pero parang naawa ako.
"Bakit Jo? Me problema ka ba?", tanong ko sa kanya
"Wala! Me naaalala lang ako." matipid niyang sagot
Parang me kumurot sa puso ko. Pinatay ko na lang ang radyo at patuloy na nagmaneho. Di ko napapansin pero me namuo din palang luha sa mata ako. Nabigla na lang ako ng masuyong hinaplos ni Joseph ang aking mata at banayad na pinunasan ang aking mga luha...
---itutuloy--
No comments:
Post a Comment