Mejo antipako nga ang dating ng bago kung amo. Kung hindi lang nkakahiya ke Tatang ehh di ko na lang sana ako tutuloy. Di ko na lang siya pinansin kahit minsan eh nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Ilang taon kna?", tanong ni sir sa akin.
"Ha?" sagot ko
"Bingi ka ba? ANG SABI KO, ILANG TAON KA NA" tanong niya ulit habang binagalan at nilakasan ang huling mga kataga nito. Yung tipong waring nang-iinis.
"Di ko po alam kung ilang taong na talaga po ako..." sumagot ako at ngumite ng ubos ng kay tamis.
"Huh? Di mo alam ilang taon ka na?" gulat na tanong ni sir
"Di po talaga..." sagot ko nman.
Di namin namanlayan ay malapit na pla kami sa bahay. Agad akong bumusina para mabuksan kami. Pagkapasok ng kotse sa garahe ay binaba ko na din ang mga gamit ni Sir. Sinalubong kami ng isa pang katulong na si Alicia daw ang pangalan.
Ngayon ko lang napansin ang kabuuan ng bahay. Palibhasa ay nagmamadali ako kanina. Maganda ito sa loob. Moderno and mga kasangkapan at and desenyo nito. Di nman kasi ako masyado nagpupunta dito kahit noon pa.
Aalis na sana ako ng pintawag ako ng mayordoma at sinabihan na kumuha na lang daw ako ng gamit kasi magiging stay-in ako na driver. Gusto ko sanang tumutol pero Dinagdagan ng 3 Libo and aking sahod kaya sumunod na lang ako.
Nagpaalam ako saglit kay manang dahil nasa loob daw ng kwarto si sir at nagpahinga. Nilakad ko nlng pauwi sa bahay at agad na nagpaalam kina Tatang na doon muna ako sa malaking bahay titira. Wala nman silang tutol kaya nagsimula na din akong magligpit.
Bumalik agad ako sa malaking bahay dala ang iilang gamit na nabili ko at mga gamit na bigay nila tatang... Tinuro sa akin ni Alicia ang aking magiging kwarto at sinabihang ipapatawag na lang daw ako pag me kailangan.
Maganda ang aking kwarto. Malinis ito at meron pang sariling aircon sa loob. Agad akong nag ayos ng gamit at naligo ulit pra gumaan ang pakiramdam ko . Pagkatapos kung maligo, di muna ako nagbihis. Humiga ako sa malambot na kama. Agad akong nakatulog...
..."Paglaki natin tol, magsasama tayo habang buhay!" sabi ng batang maputi, matangkad ant higit sa lahat ay gwapo.
"OO namn tol. Ikaw yata ang pinaka best friend ko sa lahat", sagot naman ng isa pang batang gwapo din pero moreno ang kulay ng kutis nito.
"Hala! Wala kayang ganun. Best friend na nga tapos pinaka pa? Dapat ako lang best friend mo talaga", sagot ng unang bata
"Ay! Wala bang ganun? Sige! Ikaw ang bestfriend ko kaya di kita iiwanan habang buhay. Andito lang ako kahit anu pa man mangyari..."
"Sa'iyo na tong kwintas ko. Ingatan mo yan. Hahanapin ko yan sa iyo. Pag di mo suot yan, susuntukin kita" sbi ng bata sa aking panaginip
"OO nman. Aalagaan ko ito. sa bestfriend ko yata to." sagot ng isang bata...
Nang maputol ulit ang aking panaginip dala ng katok sa kwarto. Tumayo ako at tila wala sa sariling binuksan ang pinto. Nang buksan ko na ang pinto, nakit ko si Alicia. Kakain na daw at pinapasabay ako. Nagpaalam ako na magbibihis lang at muling isinara ang pintuan. Kinapa ko muna ang kwintas sa aking leeg at tinanggal iyon. Itinago ko ito kasama ng aking damit. Magsusuot na sana ako ng brief ng muling me kumatok sa pintuan.
"Sandali lang. Lalabas na po. Nagbibihis pa lang po ako" sigaw ko...
Pero imbes na umalis ay lalong lumakas ang katok nito. Alam ko na si Alicia na nman ito kaya naiisip ko na asarin ito sa pamamagitan ng di pagsuot ng brief at tanging kaliwang kamay ko lamang ang ginawa kung pantakip nito. Ngunit laking gulat ko ng si Sir Joseph ang nasa labas ng kwarto ang kwarto at tila nanlaki ang kanyang mata sa nakita niyang ayos ko...
-itutuloy-
No comments:
Post a Comment