Boss: Tnx for proofreading
Vin: Here's the next installment
Tart: Di na maatat at andito na
Kuya Phil, Vlad at sa ibang sumusunod, sanay magustuhan nyu ulit ito.
******************************************************************************
...Agad kung sinarado ang pintuan sa aking kwarto. Di ko alam anung nangyari pero nagulat ako kung bakit ko siya naitulak. OO! Napaso ako sa kanyang mga halik pero di ko alam kung sapat na ba ang dahilang yun para itulak ko ang aking amo. Pero isa lang ang alam ko. May damdamin
sa akin na napukaw sa ginawa niyang iyon.
Naisipan kong silipin si Joseph sa may fireplace kung andun pa siya. Marahan kung binuksan ang aking pintuan at sinilip. Nandoon pa ang apoy pero wala na siya. Naiisipan ko nlng na lumabas at patayin ang apoy nito. Hinahagilap ko din si Joseph pero wala na ito. Nakakalat pa din yung alak kaya naisipan ko na din itong iligpit.
Naalala ko ang halik ni Joseph. Hinawakan ko ang aking labi... Pilit kong inaalala ang sarap at tamis ng dampi nito. Napakalambot ng kanyang labi. Bukas, buo na ang desisyon ko. Kakausapin ko si Joseph at hihingi ako paumanhin.
Pagkatapos kung patayin ang apoy sa fireplace at iligpit ang kalat ay bumalik na ako sa aking kwarto. Naghubad ako ng damit at tanging brief lamang ang itinira. Malamig sa Tagaytay pero nagustuhan ko ang lamig na ito at ang kakaibang sensasyong dulot nito sa aking katawan.
Bigla akong tinigasan nung naalala ko ang halik ni Joseph. Haayyy... Nakatulog ako sa kakaiisip.
Pag gising ko kinabukasan ay agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Mataas na pla ang sikat ng araw pero di ko man lang ito masyadong naramdaman. Pupungas pungas pa ako nang makita ko ang care taker sa may kusina. Sinabihan akong umalis daw saglit si Joseph at pinapasabihan ako na pwede akong gumala kung saan ko gusto. Nag-iwan din ito ng pera kay manang para panggastos ko daw.
Para akong nanlumo sa sinabi nito. Di ko na kinuha kay manang ang pera at sinabing sa kwarto na lang ako tatambay. Parang biglang gumuho ang lahat ng pag-asa ko na mapalapit kay sir.
Buong maghapon akong naghihintay sa kanya. Di rin ako kumain kasi tila wala akong gana. Dumating ang gabi pero di pa din umuuwi si Joseph. At dahil sa sobrang pagod ko sa pag-iisip, nakaidlip na pala ako sa may veranda.
Nagising ako ng biglang may tumapik sa akin. Si Joseph pala at medyo galit.
"Ano bang balak mo sa buhay ha?" pasigaw niya sa akin
"Huh? Di ko maintindihan Sir. Nakatulog po pala ako dito sa veranda." sagot ko
"Di ka daw kumain buong araw at di mo daw kinuha yung pera na pinabigay ko. Bakit di ka kumain? Gusto mo bang magkasakit?" litanya nito
Ewan ko ba pero iba ang nakikita ko sa ngayon. Di ito galit kundi pag-aalala. Nag-aalala ba siya sa akin? Siguro guni-guni ko lang yun.
"Sorry Sir. Di na mauulit." nakayukong sagot ko.
"Sige, sumunod ka na lang sa kusina at sabay na tayong maghapunan. " sabay talikod sa akin
Kahit buong araw akong di kumain pero pakiramdam ko ang sigla ko. Agad akong sumunod sa kusina. Pagdating ko dun ay may madaming pagkain na nakahain. Biglang tumunog ang aking tiyan. Napahiya tuloy ako. Nagsimula kaming kumain at tila ganado ako ngayon. Napansin ko din si Joseph na tila masaya. Bakit kaya?
Pagkatapos kumain ay dumeretsho si Joseph sa may pool. Tinulungan ko muna si Manang at pagkatapos ay pinatulog na ito ng maaga. Pagkaraan ng ilang minuto ay sumunod ako sa may pool. Nakita ko doon si Joseph na naliligo na pala. Shit! Bigla akong naiinitan sa aking nakita.
Si Joseph ay parang Diyos na lumalangoy sa tubig. Ang ganda niyang tingnan. Di ako mapakali.
"Dyan ka pala" pukaw niya sa akin
"Halika, maligo tayo. Sabayan mo muna ako dito." dagdag niya
"Sige po." - bahala na sa isip ko
Naghubad ako ng damit at short. Nka brief lang ako nung tumungo ako sa shower para sa paunang banlaw. Medyo inayos ko muna ang aking alaga dahil bka nakakahiya sa kanya. Pagkatapos kong magbanlaw ay agad akong lumusong sa tubig. BAD MOVE!!!
Ang lamig ng tubig sa pool. Para akong binuhusan ng yelo. Pero huli na ang lahat. Tawa ng tawa si Joseph sa kanyang nakita. Para kasi akong basang sisiw sa lamig. Tiniis ko ang lamig at sinabuyan siya ng tubig. Guamanti din siya at para kaming mga batang naghaharutan at
nagsasabuyan ng tubig sa pool.
Eto na yata isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko. Hinahabol ko si Joseph hanggang sa mahuli ko siya. Kapwa kami hinihingal sa pagod. Kapwa kami masaya. Umahon kami sa pool at nahiga sa may gilid nito. Nakapatong ako sa kanya.
Tinitigan ko si Joseph. Siya man ay nakatitig sa akin. Unti unting humihina ang aming paghinga. Waring napalitan ng kakaibang bilis ng pintig ang aming puso. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Pilit na dinama ito.
Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Damang dama ko ang init ng kanyang hininga... At iginawad ko sa kanya ang isang halik. Masuyo at banayad ang paghalik kung iyon. Sinalubong naman ito ni Joseph. Ibinuka niya ang kanyang mga labi upang bigyang daan ang
aking dila na tila may hinahanap. Nag espadahan ang aming mga dila.
Nalilito ako sa kakaibang sensasyon na dulot nito. Nararamdaman ko ang unti unti pagkabuhay ng aming mga alaga. Napayakap ako sa kanya... Unti unti kung naramdaman ang pagbaba ng kanyang mga halik... Halik na nakakadagdag init at sarap na nararamdaman ko ngayon.
-itutuloy-
No comments:
Post a Comment